Listening helps
Ang hirap mag adjust sa isang bagay na sobra na nating nakasanayan. Bago natin malaman ang sarili nating pagkakamali, kailangan pa natin ng ibang tao para malaman natin ‘yon. Ganon naman talaga e. Ako, alam ko ‘yung mali sa’yo pero hindi ko alam na may mali na pala sa akin. Gets? :)
Recently, may mga bagay akong nalaman mula sa ibang tao na problema nila sakin. Actually isa lang naman s’ya. Haha. Nung una I find it hard to adjust at unti unting baguhin ‘yung problema n’ya sa ugali ko. I’m trying my best, really. Pero syempre hindi naman agad agad mawawala ‘yun. Kahit papano, natututo akong control-in ‘yung anger ko. Madali kasi akong mainis. Nasanay kasi ako na kausap ko s’ya almost everyday. Okay, I’ll give you a hint. Boyfriend ko s’ya. Hahaha. Hindi naman s’ya naiinis, basta daw wag lang sobra. Di ako na offend, ayos kasi ‘yung pagkakadeliver ng message. Ganun sana sa lahat.
Paminsan minsan, okay din na makikinig tayo sa mga tao sa paligid natin. It’ll help. Promise. Mas maganda na sa mga taong concern sa atin ‘yung nagsasabi sa atin ng problema kesa sa ibang tao na wala namang alam sa buhay mo pero nanghuhusga agad.
Biak na bato experience throwback part 3! #mamapengs #love #friends #biaknabato #travel #nature #cybershot #nofilter (at San Miguel, Bulacan)
"Don’t choose the better girl. Choose the girl that will make you a better man."
Hello guys! Hihi. Kamusta? Dami kong na accomplish ngayong bakasyon. Katulad ng paghiga, pagcocomputer, paglalaro at mag surf.. sa internet. <///3
Walang outing para sa akin ngayong summer. Boring ba? YES! Wala akong ginawa kung hindi mag internet. Pero may maganda namang dulot ‘yun. HAHAHA. Nakapagbasa basa naman ako ng mga ebooks. ‘Yun oh! Pampatalino. Hehe. Naka enroll na nga pala ako. Late ‘yung payment. Late kasi binigay ‘yung scholarship namin e. At ang saya ko lang kasi ‘yung prof na laging nagbibigay ng mababang grades e sa wakas naman, binitawan na n’ya ‘yung section namin. Naniniwala ako na magiging dean’s lister na ako! BWAHAHAHA. Oy ah. 1.6 something GPA ko nung 2nd year 1st sem. HAHAHAHA. Kaso may sabit. Oha! Yabang ko ano po? Hahahaha. Joke lang. Pero gusto ko sana, hindi dahil sa mga papuri na makukuha ko, para ‘yun makatipid sa tuition. Proud ako dahil ngayong sem, kalahati lang halos binayaran ko sa tuition.
3rd year na ako sa pasukan. Ang bilis. Sana makaraos na ako sa college. 2 years. Kaya pa!!!
Biak na bato experience throwback part 2! #throwback #beng #love #friends #cybershot #nofilter (at San Miguel, Bulacan)
Me: *Nagreply* Ang ganda ko.
HAHAHAHA!
Rainforestation project last year! :) #throwback #friends #biaknabato #nature #Ange <3 (at San Miguel, Bulacan)
Naka chat ko ngayon ‘yung best friend ko. Inaasar ko pa nga s’ya, kasi birthday nung ex n’ya na classmate namin nung high school.
Naguusap lang kami. Kinukulit ko s’ya tungkol sa love life n’ya. May nagloload kasi dun, hindi din naman n’ya alam kung sino.
S’ya ‘yung kaibigan ko na bihira mag open up. Puro kasi kami tawa pag magkasama kami. Kaya nagulat ako nung sinabi n’yang “S’ya pa rin e.” Nangilid ‘yung luha ko kaagad. Alam ko kasi 2 years na nakakalipas e. Sobrang tagal na. Tapos ang break up nila, sa text lang. ‘Yun daw ‘yung mga panahon na kakasimula pa lang sa college. Madaming adjustments. Hindi na sila nagkita. Hanggang sa break up nila, nag aaway sila. Ang masakit pa dun, after ilang months, mayron ng bago ‘yung ex n’ya. Schoolmate ko ngayon ‘yung ex n’ya kaya nakikita ko pa. Magkahalong awa at inis ‘yung nararamdaman ko nung sinabi ng best friend ko na hindi pa sya nakakamove on. Mag entertain man s’ya ng iba, wala pa rin e. Kaya sobrang bilib ako sakanya. Kaya talagang pinagdadasal ko na sana wag na s’yang mahirapan. :/
Alam mo ‘yung masakit? ‘Yung ‘di kayo okay tapos nagpaalam pa s’ya sa’yo na may imi-meet daw s’ya. Kunwari okay lang sa’yo kaya “Okay” talaga ‘yung nireply mo.
Hi Mother! Happy happy birthday!!! Ayan ah. Magagandang pictures mo ‘yung kinuha ko. Nagpapasalamat ako sa’yo dahil namana ko ang kagandahan mo. Hahahaha! Joke lang. Salamat Nay sa lahat lahat. Hindi ko na kailangan ilista ‘yung mga nagawa mo para samin. Sorry din sa lahat lahat Nay. Alam mo na po ‘yun. Hehehe. I love you so much!!! Happy birthday!!!



